(Oplan Galugad ‘di natuloy) 60 PATALIM ISINUKO NG MGA BILANGGO

patalim

CAVITE –  UMAABOT sa 60 patalim ang isinuko ng mga inmate sa loob ng Cavite Provincial Jail bago pa isagawa ang Oplan Galugad ng provincial guard sa pamumuno ni Jail Warden Gil Torralba sa Trece Martirez City, Cavite kamakalawa.

Nabatid na bago ang nasabing operasyon sa walong dormitoryo ng kulungan ay nakipagpulong si Torralba sa mayores ng provincial jail kung saan nahikayat na isuko ang itinatagong mga patalim.

Ang nasabing hakbang ay bilang pag iingat na rin sa pagkalat ng COVID-19 na pinangangambahang makapasok sa Provincial Jail kung sakaling magsagawa ng Oplan Galugad, gamit ang ilang manpower na mangagaling sa labas ng kulungan.

Sa kabuuan, aabot sa 569 inmates sa walong dormitoryo, 70 sa kanila ay kababaihan kung saan pinakamaraming kaso pa rin ang droga na may 346 inmates, 287 sa kanila ay kalalakihan.

Samantala, payapa naman ang kalakaran sa Cavite Provincial Jail, dahil sa pagbuwag ng mga “gang”  na pinagmumulan ng kaguluhan kung saan ngayon ay iisang grupo lang ang lahat ng inmate kabilang na  ang mga high profile Inmate

Bukod sa pagiging high morale ng mga inmate bunsid ng bagong pamunuan, pinapayagan na rin silang makita at makausap ang mga malalayo o di makabisitang mga kaanak, sa pamamagitan ng E-Dalaw, online face to face communication na naging programa ng CPJ para sa mga inmate

Kabilang rin sa gumugulong na bagong programa ni CPJ Warden Gil Torralba, ang Para-Legal service, kung saan nagtalaga ng isang tauhan si Torralba para kausapin ang mga inmate na matagal ng nakakulong ay hindi na umuusad ang kaso. MHAR BASCO

Comments are closed.