OPLAN GREY HOUND SA BULACAN JAIL

BULACAN- NASORPRESA ang nasa 1,638 PDL sa Provincial Jail ng lalawigang ito sa isinagawang Oplan Grey Hound.

Nabatid na ipinalabas mula sa ibat-ibang selda ng pangkat ang lahat ng inmates at pinaghubad upang matiyak na walang nakatago sa katawan ng bawat isang preso.

Gamit ng mga tauhan ng PDEA, ang dalawang K9 dogs sa paggalugad sa loob ng panlalawigang piitan, katuwang ang special weapons and tactics (SWAT) at PNP.

Matapos ang halos isang oras na searching walang nakuha na anumang patalim o matutulis na bagay sa selda ng inmates.

Ayon kay Provincial Jail Warden Ret. Col. Marcos Rivero, mahigpit ang kanilang seguridad sa panlalawigang piitan kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng patalim at iba pang matutulis na bagay.

Bukod dito, matagal na rin drug free ang panlalawigang kulungan. THONY ARCENAL