NAGSAGAWA ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng surprise drug test sa mga bus driver, konduktor, at K9 search sa mga bagahe sa mga bus terminal, paliparan, at daungan sa buong bansa
Kasama ng PDEA ang mga katuwang nitong ahensiya ng gobyerno nang magsagawa ng sabay-sabay na surpresang mandatory drug test sa mga bus driver at konduktor, at K9 sweeping sa mga terminal ng bus, paliparan at daungan sa buong bansa upang tumulong na pangalagaan ang mga biyahero sa panahon ng Lenten Season.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins M. Villanueva , ipinapatupad ng ahensiya ang 2022 iteration ng OPLAN: “HARABAS” simula nitong Biyernes bilang bahagi ng holistic approach ng ahensya sa pagbabawas ng demand para sa iligal na droga.
Paliwanag din ni PDEA Information Office Director Derrick Carreon ang OPLAN: “HARABAS” ay isang simultaneous surprise mandatory drug testing sa lahat ng mga driver sa mga pampublikong terminal sa buong bansa.
Layunin nito na matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero mula sa mga driver na nakadroga at kasabay nito ay isulong ang drug-free public transport system sa buong bansa.
“Bukod sa pagpigil sa paglaganap ng bentahan at paggamit ng iligal na droga sa hanay ng mga pampublikong sasakyan ay pakay din ng PDEA na maiwasan ang mga sakuna sa transportasyon na sanhi ng mga driver sa ilalim ng impluwensya ng droga at alak. VERLIN RUIZ