‘OPLAN KALULUWA’ NAKAHANDA NA PARA SA UNDAS 2018

BULACAN-UNDAS 2018

LUNGSOD NG MALOLOS – NAKAHANDA na ang emergency response team ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)-Bulacan Rescue kasama ang mga lokal na yunit ng pamahalaan para sa ‘Oplan Kaluluwa’ kaugnay ng Undas 2018 ngayong Nobyembre 1.

Ayon kay Malou Tapican, supervisor ng Operation and Warning Division ng PDRRMO, naibaba na sa mga punong ba­yan at lungsod ng Bulacan ang memorandum na nag-uutos ng pagsunod at pakikiisa sa ‘Oplan Kaluluwa’.

Sa araw na ito, na bisperas ng Araw ng mga Kaluluwa, mayroong limang grupo na pangu­ngunahan ng limang miyembro ng Bulacan Rescue ang mag-iikot sa lahat ng munisipalidad ng Bulacan upang magsagawa ng actual check sa mga istasyon ng emer-gency response team.

Naitayo ang emergency team sa harap ng Kapitolyo kamakalawa (Oktubre 30) hanggang Nob­yembre 3 sa oras na magbukas muli ang mga klase sa paaralan.

Nakipag-ugnayan na rin ang nasabing tanggapan sa iba’t ibang Non-Government Organizations (NGOs) katulad ng Rescue 117 and Rescue 247.

Samantala, sinabi ni Acting Governor Daniel R. Fernando na ang lahat ng kinauukulan ay inalerto na upang maseguro ang kaligtasan ng mga Bulakenyo at iba pang mga biyahero.

“Hangad ko ang kaligtasan ng bawat isang bibiyahe para sa mataimtim at makabuluhang pag-oobserba sa Araw ng mga Kalu-luwa,” ani Fernando.

Naglagay na rin ang Bulacan Rescue sa kanilang Facebook page ng mga tip kaugnay sa paggunita ng Undas kabilang ang pag-tawag sa Bulacan Rescue hotline 791-0566 kung may emergency. A. BORLONGAN

Comments are closed.