SAMPUNG araw makaraang mawasaking ng Super Typhoon Rolly ang malaking bahagi ng Bicol at Southern Luzon regions ay nangangamba na naman ang maraming Filipino sa posibleng epekto ng Typhoon Ulysses na nagsisimula nang maramdaman ang lakas nito araw ng Miyerkoles.
Dahilan para paalalahanan at atasan ni Department of Interiors and Local Government Secretary Eduardo Ano ang mga lokal na pamahalaan na maghanda at ipatupad ang Operation Listo protocols pati na rin ang DILG Memorandum Circular No. 2020-125 – LISTO SA TAG-ULAN AT COVID-19: Preparedness Measures ng LGUs para sa Rainy Season CY 2020.
Dahil sa nakikitang lakas ng bagyo ay pinaalalahanan ng DILG ang mga lokal na pamahalaan, partikular na sa Bicol region at mga kalapit na lugar, na magpatupad ng mga kinakailangan na protocols sa paghahanda sa bagyo.
Pinayuhan ni Año ang publiko na sumunod na sa preemptive evacuation na ipapatupad ng mga lokal na pamahalaan, lalo na iyong mga nakatira sa mga low-lying area.
Ayon sa kagawaran at maging sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kailangang makikipagtulungan ang publiko sa paghahanda na ginagawa ng pamahalaan sa epekto ng Bagyong Ulysses.
Nabatid na nagbabala ang PHILVOCS sa mga bayan na malapit sa mga aktibong bulkan gaya ng Mt Mayon. Pinatubo at Taal Volcano na maging handa dahil sa posibleng pagragasa ng lahar.
Habang nagbabala naman ang PAGASA ng posibleng pagkakaroon ng storm surge sa mga coastal barangay na daraanan ng bagyo.
Sinabi rin ng kalihim na dapat i-activate ng LGUs ang kanilang barangay disaster councils at manatiling connected sa mga opisyal ng kani-kanilang mga lugar pagdating sa mga preemptive evacuation measures.
Pinayuhan din ng NDRRMC ang mga LGUs na tiyakin ang wastong dissemination ng mga impormasyon patungkol sa Bagyong Ulysses sa kani-kanilang mga lugar.
Kaugnay ng bagyong Ulysses inihayag kahapon ni AFP chief of Staff Gen Gilbert Gapay na nanatiling nasa high alert ang lahat ng kanilang disaster response units sa buong Luzon at bahagi ng Visayas region.
Inihayag din ni gen Gapay nan aka preposition na s amga ligtas na lugar ang mga tauhan at kagamitan ng Southern Luzon Command, Northern Luzon Command, at JTF National Capital Region.
Habang tuloy tuloy ang ginagawang pagtatrabaho ng kanilang search and rescue units kasama ang kanilang hmobility assets 24 oras para ilikas ang mga residenteng nasa low-lying areas.
Ang inyong Sandatahang Lakas ng Pilipinas, katuwang ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan, ay mananatiling nakatutok sa inyong kaligtasan, ayon kay Gapay.
“Kami ay muling nananawagan sa lahat ng ating mga kababayan na mag-ingat, makinig, at makiisa upang maibsan ang epekto ng bagyong ito. Gabayan nawa tayo ng Panginoon sa panahong ito,” anang opisyal. VERLIN RUIZ
Comments are closed.