OPLAN LITIS VS POLICE SCALAWAGS IKINASA

Vicente Danao

NGAYON pa lamang inihayag ng bagong talagang Philippine National Police -National Capital Regional Police Office (PNP-NCRPO)  chief P/BGen Vicente Danao na may paglalagyan sa kanyang pamumuno ang mga police scalawag

Inihayag kahapon ni Danao sa kanyang unang araw ng panunungkulan bilang NCRPO chief na  istrikto nitong ipatutupad ang kanyang programang “OPLAN LITIS” na ang ibig sabihin ay linisin o litisin ang mga  iskalawag sa hanay ng pulisya.

Babala pa ni Danao sa  mga pasaway na pulis na magbago at huwag nang hintayin mahuli dahil tiyak mananagot ang mga ito sa kanilang kasalanan.

Binalaan din nito ang mga pulis na sangkot sa illegal drug trade lalo na ang tinaguriang ninja cops dahil mas palalakasin pa nito ang kampanya laban sa droga alinsu-nod sa direktiba ni  Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay nito, mas paiigtingin ni Danao ang police visibility kung saan ay pag-aaral na palawigin ang oras ng duty ng mga pulis para mas mapanatili ang peace and order sa kalakhang Maynila.

Tiniyak ni Danao ang police visibility lalo na sa mga lugar na madalas na may insidente ng krimen na naitatala.

“We will be implementing yung 12 hours duty. Yung dati din naman implementation ever since and siguro we will just make some adjustments on the time kung kailan magkakaroon ng shifting but definitely we will flood the streets with PNP in order to secure our community. Yung mga tumatakas at medyo matigas ang ulo they will be dealt with accordingly,” giit ni Danao.

Nauna rito, sinabi  ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ang marching orders ni Pangulong Duterte kay  PNP Chief Debold Sinas na paigtingin ang crackdown sa illegal drugs, criminality, insurgency and terrorism. VERLIN RUIZ

Comments are closed.