OPLAN PARA SA STRANDED OFWs BUNSOD NG COVID-19 BU-BUUIN

stranded

MAYNILA – TINATRABAHO na ng Department of Labor and Employment, Philippine Overseas Employment Administration (POEA), at  Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagbalangkas ng plano o gagawin para matulungan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nastranded bunsod ng travel ban na epekto naman ng 2019 Coronavirus Disease  (COVID-19).

Ang hakbang ay inanunsiyo ni Overseas Placement Association of the Philippines Pesident Alicia Devulgado.

Si Devulgado kasama sina Labor Secretary Silvestre Bello at POEA Administrator Bernard Olalia ay nagpulong na para sa hakbang na gagawin.

“Siguro po malalaman natin kung ano po ‘yung plan of action natin,” dagdag nito.

Kabilang sa pag-uusapan at pagdedesisyonan ay kung ano ang gagawin sakaling ang mga stranded OFW ay expired na ang pasaporte, visa at maging ang employment permits na hindi agad makakapag-renew dahil sa ipinatutupad na travel ban.

Para mapabilis, unang gagawin ng labor agencies ay mag-imbentaryo ng mga OFW sa iba’t ibang bansa.

Sa ilalaim ng travel restrictions na pinatupad ng Malacañang ay mula sa China, Hong Kong, Macau at Taiwan. EUNICE C.