CAMP CRAME – HIHINTAYIN muna ng Philippine National Police (PNP) ang panibagong utos ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanilang commander in chief.
Ito ay matapos na iutos ng korte suprema sa Office of the Solicitor General (OSG) na ilabas na ang lahat ng Oplan Tokhang Police Reports lalo na ang mga kuwestiyonableng operasyon.
Ayon kay PNP Chief, Police General Oscar Albayalde, OSG ang bahalang magsumite ng Oplan Tokhang Police Reports sa SC.
Naisumite na aniya nila ang lahat ng oplan tokhang police reports sa OSG.
Kabilang na aniya rito ang Oplan Tokhang Police Reports sa mga region.
Bukod sa pagsumite, nagpapatuloy rin aniya ang imbestigasyon ng PNP internal Affairs Service sa mga Death Under Investigation (DIU) kaugnay sa PNP Oplan Tokhang.
Wala naman umanong problema sa PNP kung patuloy na iniimbestigahan ang kanilang mga Oplan Tokhang Police Operations. Aniya, ang malinaw ay may ginawa at ginagawa pang hakbang ang PNP para rito. Ito ay ang pagsibak noon sa puwesto at pag-iimbestiga sa mga pulis na nasangkot sa kuwestiyonableng Oplan Tokhang Operations. REA SARMIENTO