HINDI mawawalan ng lugar sa lokal at pandaigdigang merkado ang mga tela na gawa sa Filipinas, paniniguro ng mga opisyal ng Department of Science and Technology-Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) at ng Great Women Philippines, Inc. (GWPI) kamakailan.
Inilunsad ng dalawang puwersa — Iloilo Science and Technology University at ng local government of Miagao, Iloilo, ang Regional Yarn Production and Innovation Center (RYPIC) na magpapagana sa mga lokal na maghahabi sa Miagao na kumuha ng kanilang mga sinulid sa bayan.
Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni DOST-PTRI director Celia Elumba na may demand sa mga tela na gawa dito sa bansa, lalo na doon sa mga gawa mula sa locally-grown raw materials.
Ang mga kababayan natin dito at sa ibang bansa ang mga pangunahing merkado ng tela na gawa ng mga lokal na maghahabi, sabi ni Elumba.
“We have a wide opportunity, in the domestic alone, if we can dress 10 percent (of the population), that would be fantastic. But aside from that, we look at Asean (Association of Southeast Asian Nations), which has 622 million (population),” sabi niya.
Sinabi ni Elumba na ang bansa ay may “preferential trade agreement” sa Japan pero ang kakulangan sa materyales sa pagprodyus ng tela ay hindi makasustine sa economic partnership.
Ang kakulangan sa lokal na materyales ay nakaambang maging hamon para sa kaparehong trade agreement sa Europe, sabi niya.
“We are abundant when it comes to opportunities, but we need to go after the supply,” sabi niya.
Ang RYPIC sa bayan ng Miagao ay may 300 spindles na makakaproseso sa halong sinulid. Sinabi ni Elumba na may total na 200,000 spindles sa bansa.
Sinuportahan naman ni GWPI president Jeannie Javelosa si Elumba, sa pagsasabing ang Asean at Europe ay may malawak na merkado para sa Philippine-made textiles.
Kinokonsidera ni Javelosa ang north Europe bilang “real market” dahil sila ang nagbibigay ng halaga sa mga hand-woven, artisan-created textiles at women-made products.
Sinabi pa niya na ang paggamit ng mga ganitong loka na material ay makatutulong sa Philippine-made textile na makipagkompetensiya sa ibang textile-producing Southeast Asian countries.
“If we go into the market in Asean, we have to be strong with the blends, of the cotton, piña, maguey,” sabi niya.
Dagdag pa niya na maraming mga komunidad ang naghahabi sa bansa na tinutulungan ng GWPI para ang weavers ay maging market-driven.
Ang GWPI ay proyekto ng Philippine Commission on Women para palakasin ang mga kababaihan sa economic environment, magbigay ng suporta sa disenyo ng mga produkto at merkado. PNA
Comments are closed.