OPS NG MICP SUSPENDIDO DAHIL SA COVID PANDEMIC

MICP-2

MAYNILA-PANSAMANTALNG ipinasara ng Bureau of Customs (BOC) ang Manila International Port (MICP), para sumailalim ng disinfection, makaraang mag positibo ang isa sa kanilang empleyado ng COVID-19 .

Kasabay nito isinusulong ng BOC  ang isang contigency plan batay sa kautusan ng Department of Health (DOH), at ipinag-utos ang n contact tracing sa mga kawani.

Para ma-trace ang mga kawani na nakausap ng biktima, pinag-self quarantine ang mga ito para makaiwas na mahawaan ang ibang empleyado ng Manila International Container Port.

Nagpalabas ng memorandum si Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, na naglalayong ipagpatuloy ang operasyon partikular na ang mga kawaning naka-assign sa vessel boarding, examination of goods and x-ray examination.

Ipinagbigay-alam ng BOC sa mga importer na gamitin ang Customer Care Portal (CCP) kung saan magsusumite ng kanilang mga dokumento, gamit ang Goods Declaration and Verification System (GDVS) para sa monitoring status ng kanilang mga shipments.

Ang CCP at GDVS ay ang isang pilot project ng administrasyon upang mabawasan ang BOC operations, at paggamit ng on line platform upang kahit nasa bahay ang ilang sa mga empleyado ay makakapagtrabaho. FROI MORALLOS