OPS SA NATONIN LANDSLIDE HANGGANG NGAYON NA LANG

NATONIN LANDSLIDE

MT. PROVINCE – POSIBLENG hanggang ngayon na lamang ang retrieval operation sa naguhuang gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa landslides sa bayan ng Natonin.

Gayunman, sinasabing maaaring mabago pa ang pinal na desisyon.

Nadagdagan ng tatlong  bangkay ang narekober sa natabunang DPWH building sa Natonin.

Nangangahulugan na pumalo na sa 17 ang kumpirmadong patay sa landslides sa kasagsagan ng Bagyong Rosita noong isang linggo.

Sinabi ni Natonin Mayor Mateo Chiyawan, 11 sa mga biktima ang na­kilala na habang tatlo naman ang wala pang pagkakakilanlan.

Noong Sabado ay nagsagawa na ang DPWH ng blasting upang matanggal ang malaking bato na nakaharang sa highway.

Nakaaapekto rin sa rescue teams ang makapal na putik sa highway.

Ilan sa mga bangkay ay dinala na sa kani-kanilang kaanak.    EUNICE C.

Comments are closed.