SINIMULAN kahapon ng pinag-sanib na puwersa ng Inter-agency Council for Traffic (IACT) at ng Metropolitan Manila Develop ment Authority (MMDA) ang
operasyon labanUmapela ang IACT at MMDA sa mga mananakay na kaagad nilang i-report ang mga taxi driver na tumatanggi at hindi nagpapasakay.
Sinabihan ng IACT at MMDA ang mga mananakay na kaagad nilang tingnan ang mga pangalan ng taxi, numero ng plaka at dapat ay may mga numero ito at hotline ng LTFRB.
Ayon kay Celine Pialago, MMDA spokesperson at Assistant Secretary, na ang sinumang taxi driver na mahuhuling isnabero o tumatangging magsakay ng pasahero ay papatawan ng kaukulang parusa tulad ng pagkansela ng prangkisa at revocation ng driver’s lisense.
Ayon pa kay Pialago na dahil sa tuwing nalalapit na ang Kapaskuhan ay sinasamantala ng ilang taxi driver na huwag magsakay lalo na kung malayo at trapik ang destinasyon na pupuntahan ng isang pasahero.
Bukod dito ay pinaigting din ng MMDA at IACT ang kanilang anti-colorum operation dahil tumaas din ang bilang ng mga ito sa buwan ng Kapaskuhan.
Umapela rin ang MMDA sa mga barangay opisyal na linisin laban sa anumang uri ng traffic obstruction ang 17 Mabuhay lanes.
Base sa datos ng MMDA na kapag nalalapit na ang Kapaskuhan ay nasa 72,000 ang nadadagdag na behikulo sa EDSA na siyang dahilang kung bakit dapat linisin ang Mabuhay Lanes dahil ito ang ginagamit na alternatibong ruta ng mga motoristang umiiwas sa trapik. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.