APRUBADO na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala na nagbaba sa optional retirement age ng mga kawani ng pamahalaan sa 56 taong gulang mula sa kasalukuyang 60 taong gulang.
Inaamyendahan nito ang RA 8291 o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997.
Layunin ng panukala na ma-enjoy ng mas maaga ng mga retiradong empleyado ang kanilang buhay kasama ang pamilya.
Bukod dito, maaari ring gawing mabilis ang turn over ng mga posisyon sa pamahalaan para mabigyang pagkakataon ang mga batang professionals na makahawak din sa mga matataas na puwesto.
Kung ibababa sa 56 ang retirement age ng mga kawani ng gobyerno, magkakaroon din ng mas maraming employment opportunities sa mga nais na magtrabaho sa pamahalaan.
Sa kabilang banda ay itinatakda pa rin sa 65 taong gulang ang mandatory retirement age ng mga kawani ng pamahalaan. CONDE BATAC
Comments are closed.