OQT-BOUND GILAS 3X3 TEAM SUMALANG NA SA TRAINING

gilas

NAHAHARAP ang Gilas Pilipinas 3×3 team sa matinding hamon sa kampanya nito na makasikwat ng puwesto sa Tokyo Olympics.

Subalit tulad ng kasabihan ay walang imposible.

Sinimulan na kahapon ng six-man Filipino squad ang kanilang paghahanda para sa Olympiad sa kanilang pagdating sa Calamba, Laguna upang sumailalim sa maigting na pagsasanay sa Inspire Sports Academy bubble para sa qualifier ng Tokyo Games.

Makaraang makuha ang resulta ng kanilang RT-PCR tests, sina San Miguel’s CJ Perez at Mo Tautuaa, at rookies Joshua Munzon ng Terrafirma at Alvin Pasaol ng Meralco ay nagtungo sa Laguna para sa week-long training camp, kasama sina alternates Santi Santillan ng Rain or Shine at Karl Dehesa.

Ang koponan ay gagabayan ni Ronnie Magsanoc.

Sisikapin ng koponan na wakasan ang 49-year basketball Olympic drought para sa bansa, na huling sumabak sa Summer Games sa 1972 Munich Olympiad sa likod ng koponan na pinangunahan ni William ‘Bogs’ Adornado, ginabayan ni Ignacio ‘Ning’ Ramos, at pinamahalaan ni Domingo Itchon, ang presidente ng PBA mula 1976 hanggang 1982. Tumapos ito sa ika-13 puwesto.

Mabigat ang laban ng PH team sa Graz, Austria dahil kasama nito sa Pool C ang Slovenia, Qatar at Dominican Republic.

Kailangan nito ng dalawang panalo para umabante sa knockout stage ng four group competition.

Tatlong koponan lamang mula sa 20 kalahok na bansa ang makakaluha ng puwesto sa Tokyo Games.

5 thoughts on “OQT-BOUND GILAS 3X3 TEAM SUMALANG NA SA TRAINING”

  1. 808497 360559I added this post to my favorites and strategy to return to digest more soon. It is simple to read and recognize as properly as intelligent. I truly enjoyed my very first read by means of of this article. 143262

  2. 526262 899186Effectively written articles like yours renews my faith in todays writers. Youve written information I can lastly agree on and use. Thank you for sharing. 881526

Comments are closed.