Ora pro nobis (Sa oras ng kamatayan)

“AVE MARIA, gratia plena,
Dominus tecum.
Benedicta tu in mulieribus,
et benedictus fructus ventris tui, Iesus.
Sancta Maria, Mater Dei,
ora pro nobis peccatoribus,
nunc, et in hora mortis nostrae.”

Iniaalay ng mga Sagrado Katoliko ang buwan ng Oktubre sa pagdarasal ng Santo Rosario. Ipinagdiriwang din sa buwang ito ang Feast of Our Lady of the Rosary, sa eksaktong araw ng October 7. Syempre, pagdarasal ng rosaryo ang tamang paraan sa pagdiriwang nito.

Kapag nagdarasal tayo ng rosaryo, dapat lamang na tapusin ang misteryong napili mo. Sa pagdarasal nito, kumakalma ang ating kalooban, lumalambot ang ating puso sa pagpapatawad, at napapahinga ang ating damdamin dahil lumalapit tayo sa Diyos.

Hinuhukay nito ang kalaliman ng mga ninanais ng ating kaluluwa, dahil nakakasama natin sumandali sa ating puso ang Diyos.

Sa ritmo ng paulit-ulit na dasal, nakabubuo tayo ng tinatawag na profound spiritual effect.

Ito ay makapangyarihang panalangin — dasal na makapagpapabago sa ating buhay, makapagpapalakas sa pamilya, at nagbibigay ng kapayapaan sa mundo. Sa pagdarasal ng rosaryo, inilakagay natin ang Panginoon bilang namumuno sa ating buhay, habang hinahayaan natin Siyang kausapin tayo gamit ang ating puso.

May apat na misteryo ang rosaryo. Ang Misteryo ng Tuwa; Misteryo ng Hapis; Misteryo ng Luwalhati; at Misteryo ng Liwanag.

Dahil nga makapangyarihan ang pagdarasal ng rosaryo, ito rin ang ginagamit sa mga padasal para sa kaluluwa ng namayapa, karugtong ang litanya ni Birheng Maria. Ora pro nobis — sa oras ng ating kamatayan. Naniniwala ang mga Katoliko na kapag namatay ang isang tao ay dapat siyang pabaunan inutile na rosaryo upang sa kanyang pag-akyat sa dako pa roon ay gabayan niya ng tinig ng mga nagdarasal ng rosaryo para sa kanya.

Dati ay Misteryo ng Luwalhati ang dinarasal sa patay ngunit iba na ngayon — Misteryo ng Liwanag na. Dahil kaakibat umano ng tonight sa pagdarasal ng mga misteryo nito ay ang liwanag na gagabay sa kaluluwa.

Totoo man ito o hindi, lubos itong pinaniniwalaan ng mga Katoliko,  maging ako man. Sabi nga sa dasal, “pray for us sinners, now, ang in the hour of our dearest ” ora pro nobis.

Nenet L. Villafania