DUMATING na sa Pilipinas ang kauna-unahang gamot na iniinom kontra COVID-19.
Inianunsiyo kahapon ang paglabas ng Molnupiravir (Molnarz).
Ang Molnupiravir ang kauna-unahang oral antiviral drug na iniinom upang pigilan ang paglala ng kaso ng COVID-19 na nangangailangan ng pagpapaospital.
Gawa ito ng Merck & Co, Inc. (MSD), isang multinational company na nagbigay ng lisensiya sa walong kilalang tagagawa ng generic na gamot sa buong mundo, kabilang ang manufacturer ng Faberco, ang Aurobindo Pharma Ltd., para sa mga low hanggang middle-income na bansa.