ORAS NG VOTER REGISTRATION PINAHABA

COMELEC REGISTRATION

MAGANDANG  balita dahil nagdagdag pa ang Commission on Elections (Comelec) ng oras at araw para sa isinasagawa nilang voter registration sa National Capital Region (NCR) at ilang piling lugar sa bansa.

Sa inisyung advisory ng Comelec, nabatid na mula Lunes hanggang Biyernes ay magiging hanggang alas-7:00 ng gabi na ang voter registration hours sa NCR mula sa dating hanggang alas-5:00 ng hapon lamang.

Magdaraos na rin sila ng voter registration tuwing araw ng Sabado ngunit mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon lamang ito.

Bukod naman sa NCR, ilan pa sa mga lugar kung saan ipaiiral ang pagdaragdag ng voting hours tuwing weekdays at Saturday registration simula nitong Oktubre 16, ay ang mga munisipalidad ng Alcala at San Quintin sa Pangasinan; Tarlac City at mga munisipalidad ng Capas at Concepcion sa Tarlac; lahat ng munisipalidad at lungsod sa Quezon Province; Labo, Camarines Norte; Castilla, Sorsogon; at mga lungsod ng Cebu, Mandaue at Lapu-Lapu sa Cebu Province.

Samantala, ang mga lugar naman na magkakaroon na rin ng Saturday registration sa Oktubre 16 at 23, ngunit hindi naman mag-e-extend ng weekday voting hours, ay ang mga munisipalidad ng Anda, Sto. Tomas at Sual sa Pangasinan; munisipalidad ng Aringay, Balaoan at Caba sa La Union; lahat ng lungsod at munisipalidad sa Ilocos Sur; at munisipalidad ng Balatan, Bula, Cabusao, Goa, Lagonoy, Libmanan, Magarao, Minalabac, Ragay, Sagnay, San Fernando, San Jose, Tigaon at Tinambac sa Camarines Sur.

“The rest of the country will follow the registration days and hours of Mondays to Fridays, 8:00 A.M. to 5:00 P.M. However, registration will be conducted on the last day, October 30, 2021, which is a Saturday,” ayon pa sa Comelec.

“The last leg of voter registration will be held mostly in areas which can accommodate a higher number of registrants such as in select malls of Robinsons Malls, Ayala Malls and SM Supermalls,” anito pa.

Maaari rin umano silang maglagay pa ng satellite registration site sa mga gymnasiums, at iba pang commercial establishments at iba pang malalaking espasyo, ngunit hindi sa mga barangay.

Mayroon pa rin namang registration na idinaraos sa mga OEOs sa ilang lokalidad.

“To reiterate, all types of application will be accepted, not just those that may come from first-time registrants,” ayon naman kay Comelec Spokesperson James Jimenez.

Matatandaang ang huling araw ng voter registration sa bansa ay noong Setyembre 30 pa sana ngunit pinalawig pa ito ng Comelec ng mula Oktubre 11 hanggang 30 upang mas marami pang botante ang makapagparehistro. Ana Rosario Hernandez

9 thoughts on “ORAS NG VOTER REGISTRATION PINAHABA”

  1. I was lucky enough to stumble upon this site while surfing the internet and found something very interesting there. I really enjoy reading it. I enjoyed it a lot. Thanks for sharing this wonderful information 먹튀검증

  2. I always find and read your articles. I think you are really trying to share your knowledge and thoughts. I understand how hard it can be to write a blog post. I want to applaud your efforts. I’d love to see your article. I will bookmark it. Thank you. https://totoilmi.com/

  3. 185206 447787This really is the suitable weblog for anybody who needs to seek out out about this topic. You notice so a lot its virtually laborious to argue with you (not that I genuinely would wantHaHa). You undoubtedly put a brand new spin on a topic thats been written about for years. Wonderful stuff, just wonderful! 690963

Comments are closed.