NAGLABAS ng ‘Oratio Imperata’ at pastoral statement ang apat na obispo mula sa Negros sa layuning matuldukan na ang mga patayang nagaganap sa kanilang rehiyon.
Ang naturang obligatory prayer na may titulong ‘Oratio Imperata to End Killings in Negros Island’ at collegiate pastoral statement ay inisyu nina Bishops Gerardo Alminaza ng San Carlos, Julito Cortes ng Dumaguete, Patricio Buzon ng Bacolod at Louie Galbines ng Kabankalan.
Nabatid na ang naturang panalangin ay dadasalin ng mga mananampalataya sa mga banal na misa sa mga nabanggit na diocese.
“O God, our Father, who hears the cries of Your children, look upon us in Your mercy. We pray that we be delivered from the evil of the killings that stalks our island. It is a violence that has deprived our people of peace; a violence that has orphaned many families; and a violence that has trauma-tized and instilled paralyzing fear in our communities,” bahagi ng panalangin.
Ipinadarasal din nila na magsalita ang mga opisyal ng pamahalaan laban sa mga pagpatay, gayundin ang mga police at military personnel, na yakapin ang kanilang mandato na pagsilbihan at protektahan ang mga mamamayan.
“Empower our communities to stand for the sanctity and primacy of life. Disturb those responsible for this evil and have blood in their hands, espe-cially the ones who are impelled by their ideological agenda. May they have a change of heart and be renewed,” dagdag pa nito. “Be with us, O Lord, so that, in these dark times, we may have the courage to be instruments of Your peace,” anito pa.
Samantala, sa naturang collegial pastoral statement naman, mariing kinondena ng mga obispo ang pagdanak ng dugo sa kanilang isla.
Hindi na umano sila maaaring manahimik pa sa anila’y tuluyang pagbalewala sa kahalagahan at kasagraduhan ng buhay ng tao.
“The blood of those killed cries to be heard. It calls out to our basic humanity to be one with those who have been afflicted by this violence,” dagdag pa nito.
Nag-ugat ang paglalabas ng mga obispo ng pahayag at oratio imperata kasunod ng pagkakapaslang sa may 21-katao sa Negros Occidental sa na-kalipas lamang na 10-araw.
Ayon naman sa Defend Negros #Stop the Killings Network, nakapagtala na sila ng 74 biktima ng patayan sa rehiyon, simula Enero, 2017 lamang.
Ipinag-utos na rin ng mga naturang obispo ang pagpapatunog ng kampana ng simbahan, sa lahat ng parokya sa kanilang diocese upang iprotesta ang patuloy na pagpatay sa mga magsasaka at human rights workers.
“In the stillness of night, the tolling of the bells signifies our communion as Church. We are to remember those who have gone before us – including those whose lives have been snuffed by these killings – they, who are our brothers and sisters,” anang mga obispo.
“We ask God to disturb those who are responsible for this evil and have blood in their hands that they may have a change of heart and be renewed,” anila pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.