UMAASA ulit ang Philippine darts na makaka-bull’s eye sa tulong ng mga bagong sibol na darter, isa na rito si Lovely Mae Orbeta.
Si Orbeta, isang two-time Southeast Asia Tour 2019 champion, ay kasalukuyang gumagawa ng ingay sa kanyang tagumpay sa international darts scene.
“I’m looking forward to my next tournament in Malaysia this weekend. Sana manalo po ulit,” pahayag ni Orbeta sa kanyang pagdalo sa 35th Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
Kumpiyansa si Orbeta, Grade 9 student sa Lakandula High School sa Tondo, na masusungkit ang ikatlong dikit na panalo sa Southeast Asia Tour.
“Magagaling din po ‘yung mga kalaban ko du’n, pero puspusan naman ang pagsasanay ko sa tulong ni coach Jeffrey Roxas,” wika ni Orbeta, na nakatakdang umalis pa-Malaysia ngayong araw para sa kumpetisyong nakatakda ngayong weekend.
Bagama’t abala sa pagsasanay sa darts, tiniyak ni Orbeta na hindi naman niya napapabayaan ang kanyang pag-aaral.
“Tuloy-tuloy naman ang pag-aaral ko kahit naglalaro ako ng darts, ‘yun pa rin ang priority ko,” dagdag ni Orbeta, kilala sa tawag na ‘Bebang’ sa darts circuit.
Nagpasalamat si Orbeta sa kanyang sponsor, si Frida Morelos ng Amber’s Best, sa kanyang patuloy na pagtitiwala.
“’Pag walang klase, tuloy lang ang ensayo ko sa Amber sa Makati, kasama ang iba pang darters,” sabi pa ni Orbeta sa weekly session na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf.
Nakasama ni Orbeta sa nasabing session sina Pearl Managuelod ng Muaythai Association of the Philippines at SEA Games boxing champion Josie Gabuco.
Panalo na natalo pa. Ito ang sambit ng mga follower ng TNT KaTropa. Ang siste, sa buong quarter ay lamang ang KaTropa, pero pagdating ng last 5 minutes ay umarangkada ang Beermen. Ilang beses naagawan ng bola si TNT import Terrence Jones. Sa totoo lang, tila naiba na ang galaw ni Jones mula nang makuha niya ang ‘Best Import’ award. Instead na mas ganahan siyang mag-laro ay naging malamya siya. Sayang naman ang paghihirap ng TNT kung mauuwi lang ito sa wala.
Ngayong araw, tapusin na kaya ng San Miguel Beer ang serye?
Comments are closed.