ORDINANSA IMINUNGKAHI  SA PROVINCIAL BOARD SA PAGHULI SA MGA TAMBAY

CAGAYAN VALLEY – Plano ng PNP-Cagayan na imungkahi sa mga lokal na opisyal na magsulong ng mga ordinansa para sa paghuli sa mga tambay sa gabi.

Naniniwala si PNP-Cagayan director Sr. Supt. Warren Gaspar Tolito na makatutulong umano ang mga ordinansa upang matiyak ang ligtas na komunidad.

Nagdudulot kasi ng takot kung may makikita na mga tambay, na ang iba ay nakahubad pa at mga nag-iinuman sa mga labas ng bahay.

Reaksiyon ito ni PSSupt. Tolito sa panukala ni PNP Chief Director General Oscar Albalyalde na huliin ang mga tambay.

Kaugnay nito, sinabi ni Ex-Officio Board Member Maila Ting Que, chairman ng Committee on Peace and Order sa provincial board na napag-usapan na nila ito ni Tolito.  REY VELASCO

Comments are closed.