ORDINANSA NA KOKONTROL SA PAGGAMIT NG PLASTIC IPATUTUPAD

ITINALAGA at pinakilos na kahapon, Hunyo 7 ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang kanilang Information, Education and Communication (IEC) team para sa kanilang kampanya bunsod sa ordinansa na may kinalaman sa paggamit ng mga plastic sa lungsod.

Ang pagtatalaga para sa kampanya ng IEC teams ay una munang nararapat na gawin bago pa man ipatupad ang ordinansa para sa pagkontrol sa paggamit ng plastic.

Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez na kamakailan lamang ay nagsagawa ng orientation ang City Environment and Natural Resources office (CENRO) sa mga itatalagang information officer ng IEC team para sa implementasyon ng City Ordinance No. 18-40.

Ayon kay Olivarez, ang naturang ordinansa ay naglalayon ng “Regulating the Use, Provision and Sale of Styrofoam, Plastic Bags and Plastic for Prepared Food and Beverage Containers including Plastic Straws and Stirrers in the City of Parañaque and Prescribing Penalties Thereof”.

Ang pagpapatupad ng naturang ordinansa ang siyang magkokontrol sa paggamit ng plastic sa lungsod kabilang na din ang probisyon sa pagbebenta ng styrofoam, plastic bags at plastic sa pagpreprepara ng pagkain at inumin kasama na dito ang plastic straw at mga stirrers.

Dagdag pa ni Olivarez na ang mga lalabag o hindi susunod sa pagpapatupad ng naturang ordinansa ay maaring sampahan ng kaso at may babayaran na kaukulang multa sa lokal na pamahalaan. MARIVIC
FERNANDEZ

80 thoughts on “ORDINANSA NA KOKONTROL SA PAGGAMIT NG PLASTIC IPATUTUPAD”

  1. I’ve been browsing online more than 3 hours today, yet I never found any interesting article like yours. It’s pretty worth enough for me. Personally, if all site owners and bloggers made good content as you did, the web will be much more useful than ever before.

  2. Together with the whole thing which appears to be building inside this subject material, your perspectives happen to be quite radical. Even so, I appologize, because I can not subscribe to your entire theory, all be it stimulating none the less. It would seem to me that your comments are actually not totally validated and in simple fact you are yourself not really completely confident of the argument. In any case I did take pleasure in examining it.

Comments are closed.