ORGANIC FARM NG MAG-ASAWANG SHARON AT KIKO DINARAYO NG MGA SIKAT

TAONG 2012 nang mabili ni Sen. Kiko Pangi­linan ang 1.7 hectares na farm sa Alfonso, Cavi­te na na-entra eksenadevelop nila ng misis na si Sharon Cuneta bilang organic farm na tinawag nilang Sweet Spring Country Farm na nagpo-produce ng mainly high-end organic lettuce at herbs at mga gulay na nasa kantang bahay kubo tulad ng kamatis.

Ibig ni Sen. Kiko na hindi lang ang kanyang pamilya ang makatikim na mga healthy gulay kundi ang kapwa Pinoy na bibili ng kanilang mga produkto na sa hirap ng buhay ay mahirap magkasakit. At dinarayo na rin ng ilang kapwa celebrities ni Sharon ang farm nilang ito ni Kiko at nai-feature na rin ito ni Korina Sanchez sa kanyang “Rated K.”

Marami ring mga popular sa social media ang nakarating na sa nasabing farm gaya ni Mr. Benjie Travis ng @BENJIMANTV at Millie Mana­han na features editor for WhenInManila.com.

RECORDING ARTIST CHINO ROMERO SUPORTADO NG RETIRED TEACHER SA KANYANG CONCERT SA CALIFORNIA

NAGING very successful ang benefit concert for humanitarian project for IAVC ni Chino Romero (a.k.a Vhen Bautista)  dubbed “An Evening With Vhen Bautista” sa Camarillo Community Auditorium sa Camarillo, California last October 27.

Popular si Chino bilang Vhen Bautista sa kapwa Ilocano na majority ng crowd niya sa said recent concert kung saan naging special guest ng recording artist at Pinoy Smule King ang kanyang mga talented na anak na sina Mikaela at Keanu Bautista with the Sacred Sound. Majority rin ng mga kinanta ni Chino ay Ilocano songs kung saan hanggang ngayon ay hawak niya ang titulong “Prince of Ilocano Songs.”

By the way, sa concert ding ito nagkita sa kauna-unahang pagkakataon si Chino at ang matagal ng kaibigan at no.1 supporter na si Ma’am Florentina Echalar-Sipin na isang retired teacher at matagal ng naka-base sa US.

Sobrang saya ng naturang guro at sa wakas ay nakita na niya at nayakap ang iniidolong singer na ipinag-produced niya ng bagong Ilocano CD album kung saan included dito ang kanyang tula na Agublika Ditoy Dennak (Comeback To Me My Dear) na ginawang kanta at nilapatan ng music ni Chino. Si Erickson Gubac Paulo ang siyang gumawa ng areglo nito na nakatakdang i-release soon.

Comments are closed.