INIHAYAG ng Iloilo Provincial Office (PAO) kamakailan na tinitingnan nila ang paggamit ng liquid organic fertilizers para mapangalagaan ang mga sakahang tinamaan ng El Niño sa probinsiya.
Pinoproseso ngayon ng agriculture office ang pagkuha ng organic liquid fertilizer, na ibibigay sa halos 7, 463 na magsasaka sa probinsiya, lahad ni Elias Sandig, Assistant Provincial Agriculturist sa isang panayam.
“Our soil had undergone soil weathering during the dry season and the organic matter in soil also weathered. We use the liquid organic fertilizer because if we allow the use of synthetic fertilizer, the soil will be more acidic,” sabi ni Sandig.
Bawat magsasaka ay tatanggap ng kalahating litro ng organic liquid fertilizer, na magiging sapat para mai-spray sa ika-apat hanggang kalahating ektarya ng palayan.
Sinabi ni Sandig na ang bayan ng Janiuay ay may 816 magsasakang benepisyaryo ng organic liquid fertilizer; Anilao na may 401; Leganes na may 312; Carles na may 303; at Passi City na may 294.
Karamihan sa mga lugar ng nangungunang limang bayan na mabibigyan ng abono ay rain-fed, sabi niya.
“These farmers are the most affected,” sabi niya.
Base sa mga damage assessment report for cereals of PAO noong Abril 8, may pangkalahatang 7,495 ektarya ng lupa na may tanim na palay sa probinsiya ay tuluyang sinalanta habang 19,568 ay hindi gaanong naapektuhan dala ng El Niño.
Ang mga nasalantang pananim ay umabot na sa total volume ng 62,791 metriko tonelada.
Samantala, sinabi ni Sandig na ang probinsiya ay hindi na kukuha ng binhi ng bigas para matulungan ang mga magsasakang naapektuhan ng El Niño dahil nangako na ang Department of Agriculture (DA) na sila ang magbibigay ng binhi.
Siniguro ni Sandig na ang mga magsasaka na makatatanggap ng organic fertilizer mula sa DA ay “validated” sa lebel ng baran-gay.
Sa pamamagitan ng kanilang kapitan sa agrikultura ang magdadala ng listahan ng apektadong magsasaka sa lebel ng bayan, na siya namang magdadala nito sa PAO.
Hindi pa natatanggap ang probinsiya ang 12,100 sako ng hybrid seeds mula sa DA, sabi ni Sandig. PNA