ORGANIC FOOD PRODUCTS NG PINAS BIBIGYANG-PANSIN SA CIIE 2019

Organic Food

ITATAGUYOD ng Fi­lipinas ang maraming klase ng organic at specialty food products sa pangalawang edisyon ng China International Import Expo (CIIE) ngayong darating na ika-5 hanggang 10 ng Nob­yembre 2019 na gagana­pin sa National Exhibition and Convention Center (NECC) sa Shanghai, China.

Ang China ay kasalukuyang pinakamabilis na lumalagong health and wellness (HW) markets sa mundo. Mataas ang demand nila para sa packaged HW foods at beverages at noon pa man ay paakyat na mula 2018 bilang pagtugon sa paglipat ng domestic market consumer behavior sa malusog at mas natural na organic diet.

Ang partisipasyong ito ay inorganisa ng Cen­ter for International Trade Expositions and Missions (CITEM), ang export promotion arm ng Department of Trade and Industry (DTI), sa pakikipag-partner sa Department of Agriculture (DA), Export Marketing Bureau (EMB) ang Philippine Trade and Investment Centers (PTIC) sa Shanghai, Beijing at Guangzhou. Nasa 50 exhibitors mula sa sektor ng pagkain at inumin ng bansa ang tini­tingnan para maitampok sa Food and Agricultural Hall of the import-exclusive expo. Ang mga exhibitor ang magpapakita ng malawak na produkto at serbisyo kasama ang coconut-based products, fresh at processed fruits and vegetables, fruit-based products, frozen and canned meats and seafood, snack foods, beverages and food and agricultural services.

Ayon sa huling pag-aaral ng Nikkei Asian Review, napipintong malagpasan ng China ang USA at makuha ang puwesto bilang pinakamalaking consumer market ngayong taon. Dahil sa paglago ng ekonomiya at ang dagdag na kakayahang mamili ng middle and upper classes consumers ng China, malaking pagkakataon para sa import expo at malaking trading platform para sa mga exporter.

BIGGER AND BETTER CIIE

Nasa pangalawang edisyon ngayong taon, ang CIIE, karamihan sa mga kompanya sa Filipinas ang nagkumpirma ng kanilang pagsali sa unang pagkakataon. Ilan sa mga ito ay Century Pacific Food, Fisherfarms, Monde Nissin, Fruits of Life and San Miguel Pure Foods. Kasama nila ang anim na returning exhibitors—W.L. Food Products, Excellent Quality Goods Supply, Phil. Morinda Citrifolia, Philippine Franchise Association, Team Asia Corporation and Brandexports Philippines.

“The Philippine de­legation for this year’s CIIE aims to generate a sales target of US$5 million as they promote world-class Philippine food products to potential Chinese and international clients. This move will strengthen and improve the country’s trade relations across Asia and the rest of the world,” sabi ni DTI-CITEM Executive Director Pauline Suaco-Juan.

Nangunguna sa listahan ng tampok na produkto ay ang coconut-based beve­rages na may 10 exhibitors na dala ang commodity. Ito ang sagot sa kasalukuyang paglipat nila sa kanilang pagpili sa pagkain dala ng benepisyo na ibinibigay ng coconut water at iba pang sangkap tulad ng coconut oil, coconut milk at coconut flour. Itatampok din ang Philippine bananas sa  expo dala ng walong exhibitors na may banana-based products.

“We are encouraging our exhibitors to take this opportunity to further position the Philippines in the global market as a premier source of healthy and organic food products by promoting the world-class quality of our products and services and our export capabilities at the upcoming China International Import Expo,” dagdag pa ni DTI Undersecretary Abdulgani Macatoman.

Para sa exporters mula sa food and agricultural sectors na gustong sumali ngayong taon sa CIIE maaaring kontakin si Janine Briones, Project Officer, via email at [email protected].

Comments are closed.