ORGANIC RICE NG MINDANAO NAKAKITA NG MARKET SA US

ORGANIC RICE

MAYROON na ngayong daan ang organic rice na prodyus ng Min­danao sa United States (US) matapos na ang kasunduan sa pagitan ng mga magsasaka at ng American marketing group kamakailan.

Sinabi ni Dr. Adrian Tamayo, communications head of the Mindanao Development Authority (MinDA), kamakailan na ang kasunduan ay magbibigay-daan sa mga American consumer sa organic rice at ang heirloom na Adlay variety na prodyus sa Southern Philippines.

Inilahad ni Tamayo na  si Andrew Bolougne, pinuno ng US Marketing Firm, ay nagsabi sa mga magsasaka na magprod­yus ng marami na kaya nila at nangako ito na ibebenta niya ang mga ito.

Nangako ang grupo ni Bolougne ng  buying price na magbibigay sa mga magsasaka ng dobleng kita sa pamamagitan ng pagtatanim ng planting commercial rice, dagdag pa niya.

Ang pagpirma ng kasunduan sa marketing na walang limit sa volume ng White, Brown, Red and Black Rice and the exotic Adlay na pinatutubo ng mga tribo ay nagtapos sa Mindanao Rice Forum organized ng MinDA.

Idinagdag ni Tamayo na ang paunang shipment ng  5,000 metric tons ay inaasahan sa pagtatapos ng taon.

Sinabi ni Tamayo na pangungunahan ng MinDA ang ahensiya ng gobyerno para suportahan ang grupo sa tulong ng DA at PhilRice.

Sinabi ni Bolougne na ang demand para sa organic rice, lalo na ang Black Rice na kilala sa pagkakaroon ng medicinal benefits, ay malaki at hindi pa napupunan.

“You cannot imagine how huge is the market demand for organic food today and we will cash in on that,” sabi niya.

Sainabi ni Don Bosco vice-chairperson and marketing officer Maria Helenita Gamela na hindi apektado ng Rice Tarrification Law ang organic rice farmers and ang pagpasok ng imported rice na nagresulta sa mababang farm gate price para sa commercial rice.

“We have a niche market. The price is steady whole year round but we cannot produce the needed volume,” sabi niya.

Ang export deal para sa organic rice at Adlay ay pangalawang marketing deal na isinagawa ng MinDA para sa Mindanao rice farmers.    PNA

Comments are closed.