ORGANIC VEGETABLE HONESTY STAND INILUNSAD

La Trinidad Benguet map

NAGLUNSAD ng kauna-unahang ‘organic vegetable honesty stand’ sa bayan ng La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Municipal Agriculture Officer Felicitas Ticbaen, ang honesty stand ay isang double-door chiller na naglalaman ng freshly processed at ready-to-eat highland veggies ng kanilang probinsiya.

Aniya, walang magbabantay sa nasabing store kaya’t nakabase ang paraan ng pagbaba­yad sa katapatan ng mga mamimili.

Bunsod nito ay hinimok ng opisyal ang mga mamimili ng nasabing honesty store na magdala ng barya upang makapagbayad ng sapat na halaga.

Napag-alamang ilalagay ang naturang honesty stand sa loob ng municipal hall ng La Trinidad. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.