ORTIGAS TO BGC, 12 MINUTO NA LANG

Ortigas Center Road Link

MINAMADALI na ang konstruksiyon ng Lawton Avenue hanggang Global City viaduct section ng Bonifacio Global City (BGC)-Ortigas Center Road Link Project upang maabot ang target completion sa buwan ng Setyembre.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, oras na matapos ang proyekto, makagagaan ang biyahe ng mga motorista sa pagitan ng Ortigas at BGC.

Nagsagawa ng inspeksiyon si Villar   kasama si Undersecretary for Unified Project Management Office (UPMO) Operations Emil Sadain, UPMO-Roads Management Cluster 1 (Bilateral) Project Director Benjamin Bautista at Project Manager Ricarte Mañalac sa naturang proyekto kahapon.

Sinabi ni Sadain na natapos na ang deck slab ng main viaduct mula sa pier 13 hanggang pier 22 habang nagpapatuloy ang pagkakabit ng deck slab reinforcements sa pier 22.

Puspusan pa rin ang pagtatrabaho ng DPWH at contractor nito sa  kahabaan ng 8th Avenue mula Kalayaan Avenue intersection kahit nakasailalim sa enhanced community quarantine kasabay ng pagtalima sa health and safety protocols.

Oras na matapos ang Lawton Avenue hanggang Global City Viaduct section, magkakaroon na ng direktang access mula  Ortigas Center patungo sa Kalayaan Bridge papuntang Bonifacio Global City.

Mula sa isang oras, inaasahang bababa sa 12 minuto ang travel time sa pagitan ng BGC at Ortigas Center kapag nakumpleto na ang buong 1.481-kilome­ter BGC-Ortigas Road Link Project.

153 thoughts on “ORTIGAS TO BGC, 12 MINUTO NA LANG”

  1. 769955 350190Yesterday, while I was at work, my cousin stole my iPad and tested to see if it can survive a twenty five foot drop, just so she can be a youtube sensation. My iPad is now broken and she has 83 views. I know this is totally off topic but I had to share it with someone! 648854

  2. 596290 399354This sort of considering develop change in an individuals llife, building our Chicago Pounds reduction going on a diet model are a wide actions toward generating the fact goal in mind. shed weight 821340

Comments are closed.