OSPITAL PARA SA OFWs LUSOT NA SA KAMARA

OSPITAL

NAILUSOT sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9202 o ang panukalang  magtayo ng pagamutan para lamang sa mga OFW at dependent nito.

Nakakuha ng 180 na boto ang panukalang iniakda ni Speaker Gloria Arroyo mula sa mga kasamahang mambabatas na layong protektahan ang kalusugan ng mga Filipino partikular sa OFWs.

Nakasaad sa panukala na panahon na para maibalik naman sa mga OFW ang kanilang naging kontribusyon sa lipunan sa pamamagitan ng pangangalaga sa interes at kapakanan ng mga ito.

Sa ilalim ng OFW Hospital ay tinitiyak nito ang availability, accessibility at abot-ka­yang kalidad ng pangangalaga sa kalusugan.

Ito rin ang magsisilbing primary referral hospital para sa mga repatriated OFW na nanga­ngailangan ng medical assistance.

Ang Kalihim ng DOLE ang siyang itatalaga namang Chairperson ng OWWA Board upang magarantiyahan na maibibigay ang benepisyo at medical assistance tulad ng hospitalization at medical procedures na subsidized ng pamahalaan.                   CONDE BATAC

Comments are closed.