OSPITAL PARA SA OFWs MATATAPOS SA 2021

Silvestre Bello III

TULOY  pa rin ang konstruksyon ng hospital para sa mga Overseas Filipino Workers ( OFWs).

Ito ang nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa kabila ng pagkabinbin  ng pagtatayo nito dahil sa  COVID- 19 pandemic.

Tiniyak ng kalihim  na matatapos na sa susunod na taon ang hospital para sa OFWs.

“There were stoppages in construction works but the hospital for our migrant workers would still be finished next year,” ani Bello.

Aniya, umaasa rin ang Pangulo na sa taong 2021 ay magsisimula na ng operasyon ng hospital para mabigyang solusyon ang problema sa kalusugan ng mga  kababayan natin na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Sa orihinal na plano nito, kung hindi nagkaroon ng pandemic , target na matapos sa susunod na taon ng Abril ngunit ini-urong ito sa Disyembre 2021.

Magugunita, lumagda sa kasunduan ang Provincial Government of Pampanga at Department of Labor and Employment (DOLE) para sa pagtatayo ng kauna-unahang OFW hospital sa bansa.

“I hope we can do our best to complete this wonderful project earlier. The sooner it is finished, the sooner we can help our OFWs,”pahayag ni Bello. LIZA SORIANO

Comments are closed.