PANSAMANTALANG isasara muli ang Caloocan City Medical Center-South (CCMC) matapos madagdagan pa ang bilang ng ating mga medical staff na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay CCMC Administrator Dr. Fernando Santos, nasa 61 personnel na ng ospital ang tinamaan ng virus at lahat sila ay naka-quarantine na.
Kaagad ipinag-utos ni Mayor Oca ang mabilis na contract tracing at pansamantalang pagsara muli sa ospital sa loob ng 14 na araw upang tapusin ang quarantine o self-isolation ng ating mga medical staff.
Dahil dito, pansamantalang sarado ang CCMC kasama ang Emergency Room, mula 12:01 AM ng Agosto 1 hanggang 11:59 pm ng Agosto 14.
Samantala, magpapatuloy pa rin ang pagbibigay natin ng kinakailangang atensyong-medikal sa mga pasyenteng naka-admit na.
Gayundin, patuloy na magbibigay-serbisyo ang ating Out-Patient Department na matatagpuan sa Old City Hall Plaza at ang Caloocan City North Medical Center (CCNMC) na mananatiling bukas sa ating mga mamamayan.
Sa kasalukuyan, ang CCMCC ay nasa ‘overflowing capacity’ pa rin para sa mga pasyente ng COVID-19. Hinihikayat natin ang publiko na dalhin ang mga positibo o suspected COVID-19 patients sa ibang ospital para sa agarang lunas. EVELYN GARCIA
Comments are closed.