OSS CENTER NG DOF BINUWAG

PINATIGIL na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang operasyon ng One-Stop-Shop Center Inter-Agency Tax Credit and Duty Drawback Center (OSS Center) ng Department of Finance.

Sa ilalim ng Administrative Order No. 4 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Pebrero 20, 2023 ang mga tungkulin ng OSS Center sa pagproseso at pag-isyu ng mga tax clearance certificate (TCCs) at mga kakulangan sa tungkulin ay ililipat sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).

Ang hakbang ay bahagi ng rightsizing policy ng pamahalaan.

“All other assets and liabilities of the OSS Center shall be transferred to the Department of Finance (DOF) in accordance with pertinent auditing laws, rules and regulations except all cash separately held in trust or otherwise by the OSS Center, which shall be directly remitted to the National Treasury,” alinsunod sa AO No. 4.

Si Finance Secretary Benjamin Diokno ang nagrekomenda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na alisin ang OSS Center sa dalawang pangunahing dahilan.

“First, some OSS Center officials and employees have been found to have committed a series of several tax credit scams involving billions of pesos over the years,” ani Diokno.

“Second, its abolition and transfer of functions under the BIR and the BOC are in line with the Marcos Jr. administration’s push to right size government. This will streamline revenue operations and reduce administrative expenses, ” dagdag ni Diokno.

Ipinunto din ni Diokno na ang OSS Center ay hindi nagpoproseso at nag-isyu ng anumang tax credit certificate mula noong 2016.

“It is not practical for the government to provide for its budget every year since it does not perform its functions anymore,” ani Diokno

Nakasaad sa kautusan na ang mga tauhan sa OSS Center na maaapektuhan ng paglipat ay “makakatanggap ng mga separation benefits…maliban kung sila ay itinalaga sa ibang mga posisyon sa gobyerno.”

Ang OSS Center, na nasa ilalim ng DOF, ay nilikha sa ilalim ng Administrative Order No. 266 para sa maayos at mabilis na pagproseso ng mga tax credit at duty drawbacks sa ilalim ng iba’t ibang batas.

Sinabi pa sa kautusan na “may patuloy na pangangailangan para sa pagpapalakas ng institusyonal at pagsulong ng ekonomiya, kahusayan at pagiging epektibo sa paghahatid ng serbisyo publiko sa lahat ng mga nasa ehekutibo at opisina, na naaayon sa pagbibigay ng karapatan ng administrasyon, kabilang ang rasyonalisasyon ng mga tungkulin at aktibidad na isinagawa ng pampublikong sektor.”EVELYN QUIROZ