OSTING’S BY THE SEA RESTAURANT, BAR + GRILL – CATALYST FOR NAGA’S DEVELOPMENT

Osting

(NI: EDWIN CABRERA)

HINDI maipagkakailang ang Osting’s by the Sea ang isa sa mga nagbigay-daan upang mas mapaunlad at mas makilala ang lungsod ng Naga sa Cebu. Dalawang taon na ang nakararaan nang maisipang itayo ni-na Engr. Jonathan Quirante, katuwang ang kaniyang may bahay na si Engr. Candy Quirante, ang Os­ting’s by the Sea. Mula sa noo’y tahimik at walang katao-taong lugar, malaki ang pagbabago ngayon ng nasabing lungsod.

Osting-2
Engr. Candy Quirante and Engr. Jonathan Quirante

Binuksan nina Engr. Quirante ang Osting’s by the Sea – ang kauna-unahang restaurant, bar + grill sa Naga boardwalk taong 2017. Ang kanilang pagsisimula ay hindi na­ging madali. Oo, sa usapang konsepto at konstruksiyon – hindi na nahirapan rito ang mag-asawang inhin­yero, ngunit sa kabila nito, bagama’t maalam at mahilig silang magluto, ang mag-asawa ay parehong baguhan pa lamang pagdating sa restaurant management. Hindi nila inasa-han ang mainit na pagtangkilik ng mga tao sa kanilang naging soft opening noon; patunay na nga rito ang naging 18-hour duty ng kanilang mga dedi-kadong crew. Ayon pa kay Engr. Quirante, may isang araw na kinailangan pa nilang magsara upang mai-align ang lahat “to better serve their customers”. Pero hindi rin nagtagal, nakuha ng mag-asawang Quirante ang tamang timpla sa pamamalakad ng kanilang restaurant and bar.

Kung noon, tanging sila lamang ang sumugal upang magtayo ng establisimiyento sa Naga Boardwalk ngayon ay hindi na mabilang ang mga nan-gahas na gumaya sa kanila.  Ngunit ano nga ba ang dahilan kaya’t naitayo ang Osting’s by the Sea?

Ang Osting’s by the Sea ay kanilang pagkilala sa Lolo Osting ni Engr. Jonathan na aniya’y napakahusay magluto, mahilig magmasid sa magagan-dang tanawin, at manunuklas ng mga bagong kainan or restaurant. Nais umano nilang pagyamanin ang alaala ni Lolo Osting sa pamamagitan ng kanil-ang restaurant and bar. Kung may isang characteristic ang kaniyang lolo na nais nilang ma­panatili para sa Osting’s by the Sea,  ito ay walang iba kundi ang good vibes na gusto nilang ipadama sa kanilang mga customer. Ito na rin ang kanilang na­ging inspirasyon sa overall conceptualization ng restau-rant, bar + grill. Tiniyak nilang magco-compliment ang kanilang di­senyo sa picturesque view ng Naga boardwalk.

Dagdag ni Engr. Candy, bukod sa nais nilang lumikha ng trabaho para sa kanilang mga kababayan, naging malala na rin daw ang lagay ng trapiko mula Naga City papuntang Cebu City. Ito raw ang nakita nilang rason upang magtayo ng restaurant and bar nang hindi na kailanganin pang lumayo ang mga tao para lang makapagsaya o makapag-unwind. Bakit pa nga ba naman sila bibiyahe ng ilang oras, magtitiis sa mabigat na daloy ng trapiko kung  maihahatid na ng Osting’s by the Sea ang perfect dining experience na hinahanap nila?

Kung ito nga ay personal mong mabibisita, animo’y nakasakay ka sa isang barko – tahimik, kalmado, malinis, mabango ang simo’y ng hangin, at higit sa lahat masasarap ang pagkain. Ito na rin marahil ang dahilan kung bakit kahit marami na ang nagsisulputan at ginaya ang kanilang negosyo, nananatili pa rin silang matagumpay.

Osting-4Tiyak na hindi ka mauubusan ng choices kung iyong darayuhin ang Os­ting’s by the Sea. Ilan nga sa kanilang must-try dishes ay ang Crispy Pata, Pochero ala Osting’s, Sinuglaw, Calamari Fritos, Grilled Tanguige, Chopsuey, Tuna Panga, Beef Steak, Grilled Pork Belly, Pork Humba, Shrimp Si-nigang at Pork Adobo. Mula sa hot and cold beverages, salads, snacks and desserts – lahat ng iyan ay available sa kanila.

Osting-3Pero bukod sa masa­sarap na pagkain at sa picture-perfect view, may live performing artists din ang Osting’s tuwing 7:30 ng gabi. Bukas din ang kanilang stage para sa mga gustong mag-request ng kanta, makikanta o sa madaling salita – makisaya. Patunay na kompleto at tunay na kasiyahan ang kanilang nais para sa kanilang mga bisita. Mas nakadaragdag pa sa ganda ng lugar ang mainit na pagtanggap at buong ngiting serbisyo ng kanilang mga crew.

Ayon kay Engr. Jonathan, naging parte na rin ng kanilang marketing strategy ang gawing Celebrity Hub ang Osting’s by the Sea. Sa katunayan, sa kanilang naging Grand Opening last November 18, 2017 – dinumog sila ng mga bisita gaya  nina Joey Generoso ng bandang Side A, Neil Coleta of ABS-CBN, Bugoy Drilon at marami pang iba. Nito lamang nakaraang buwan ng Pebrero, nagkaroon ng mini-concert sa Osting’s by the Sea si Juris kung saan hinarana niya ang mga customer.

Sa lahat ng efforts ng mag-asawa katuwang ang kanilang buong staff and crew, hindi na nakapagtataka kung ba­kit sila’y dinarayo at bi­nabalik-balikan kahit pa ng mga mula sa malalayong bayan. Dahil na nga rin sa kanilang all-out dining experience, nakakakuha sila ng positive feedbacks directly from their customers na patunay na highly recommendable talaga in all aspects ang Osting’s by the Sea.

“They should try our unique combination of food, ambiance and scenic view of Naga boardwalk for relaxation and positive vibes,” mensahe ni Engr. Jonathan para sa mga nagbabalak bumisita sa kanilang restaurant and bar.

Osting-5Saan ka pa nga ba naman makakakita ng fine dining, picturesque view, and good music altogether sa napakamurang halaga? Patunay ang Osting’s by the Sea na quality service does not have to be expensive.

Batid ng mag-asawang Quirante na pataas pa nang pataas ang bilang ng kanilang daily visitors kaya naman sa hinaharap, nagpaplano ang mag-asawa para sa desired expansion nila for their restaurant and bar. Nais nilang mas maka-accommodate pa ng mas maraming bisita o turista – tulong na rin nila sa patuloy na paglago ng turismo sa kanilang lugar.

Ang Osting’s by the Sea ay matatagpuan sa Naga Boardwalk, Cebu. Bukas  ito ng Lunes hanggang Biyernes mula 11AM hanggang 12AM;  11 AM hanggang 2AM naman tuwing Sabado at Linggo.

Comments are closed.