NAGLAHO ang pag-asa ni Angel Mae Otom na makasungkit ng medalya sa Paralympics makaraang tumapos sa fifth sa women’s 50-meter butterfly S5 final sa Paris La Defense Arena Sabado ng umaga.
Ang 21-year-old swimmer mula Olongapo City ay nagtala ng personal best time na 45.78 seconds sa kanyang Paralympic debut.
Si Chinese Lu Dong ang nagwagi sa race sa 38.17, binura ang 39.54 record na kanyang naitala sa Tokyo at ang 39.32 world record ni compatriot He Shenggao.
Nakopo niya ang silver medal sa 38.98 habang nagkasya si Sevilay Ozturk ng Turkey sa bronze sa 43.70. Pumang-apat si Chinese Cheng Jiao (45.60).
“That was what I am looking for, she fought hard and did not give in. There will be next time and she will go there prepared,” wika ni para swimming team head coach Tony Ong.
Si Otom, nagwagi sa event sa 2023 ASEAN Para Games, ay nakapasok sa finals makaraang pumangatlo sa kanyang heat sa oras na 46.85s. Siya ay ranked fifth overall.
Noong Miyerkoles ay nag-qualify si Otom sa 50m backstroke finals, subalit pumang-anim sa 44.00s.
“That was her first event in her first Paralympic experience. I am happy that she made it into the finals. I believe that she will make it in the next Paralympics. Stronger and braver! Mabuhay ang Atletang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas,” sabi ni Ong.