OTOM, BERNARDO PH FLAG-BEARERS SA 4TH ASIAN PARA GAMES OPENING

PARALYMPICS

HANGZHOU – Hindi lamang sila nasa kanilang debut sa 4th Hangzhou Asian Para Games, sina national para chess player Darry Bernardo at swimmer Angel Mae Otom ay napili ring flag-bearers ng bansa sa opening ceremony sa Hangzhou Olympic Stadium dito ngayong Linggo. 

Sina Bernardo at Otom ay kabilang sa standouts ng national team na may 6 at 4 golds, ayon sa pagkakasunod, sa 11th Cambodia ASEAN Para Games at pangungunahan ang Philippine contingent ng 46 athletes at officials sa makulay na inaugural rites simula sa alas-7:30 ng gabi sa 80,000-seat arena.

“Hindi ko akalain na isa ako sa mapili na mag- ing flag-bearer.

Masayang-masaya po ako at malaking karangalan po ito sa akin,” sabi ng limbless 20-year-old pride ng Olongapo City, Zambales.

Ang PH squad ay magsusuot ng bright red-white-and-blue New Balance track suits na ipinagkaloob ng Philippine Sports Commission (PSC) sa parade of nations ng festive opening show sa fourth edition ng sportsfest.

Kabilang sina Philippine Paralympic Committee (PPC) head Mike Barredo at PSC Commissioners Walter Torres at Ed Hayco sa mga nasa VIP box habang dumaraan ang delegasyon na kinabibilangan nina national chef de mission Ral Rosario, deputy Millet Bonoan at PPC secretary general Goody Custodio.

Kabilang din sa mga sasama sa parada sina athletic thrower Cendy Asusano, Cambodia ASEAN Para Games gold medalist, at blind judokas Carlito Agustin at Deterson Omas, na nagwagi ng bronze sa parehong regional meet na idinaos sa Cambodian capital Phnom Penh noong nakaraang Hunyo.

Target ng Filipino para campaigners na mahigitan ang 10 gold, 8 silver at 11 bronze med- als na naiuwi ng bansa sa 2018 edition ng con- tinental sports showcase na idinaos sa Jakarta, Indonesia.