OTOM TARGET ANG FINALS SA 50M BUTTERFLY SA PARIS

PARIS – Simple lamang ang tagubulin ni Para swimming head coach Tony Ong kay to swimmer Angel Mae Otom sa women’s 50-meter butterfly S5 event sa 17th Paralympic Games swimming meet sa La Defense Arena pool ngayong Biyernes: Gawin mo ang lahat ng iyong makakaya para makapasok sa finals.

Magsisimula ang heats sa alas-10:10 ng umaga (4 p.m. sa Manila) kung saan makakatabi ni Otom si sensational Chinese defending champion Lu Dong, na magtatangka sa kanyang ikalawang individual gold.

Ranked No. 2 sa buong mundo na may 46.39 seconds papasok sa quadrennial sportsfest, ang armless wonder mula Olongapo City ay may natutunan sa kanyang Paralympic debut, dalawang araw pa lamang ang nakalilipas, kung saan pumang-anim siya sa women’s 50-meter backstroke S5 race.

Ngayong si Lu ay nasa lane 4 at siya ay nasa lane 3, si Otom ay masusubukan kung kaya niyang makipagsabayan sa Chinese star na tinaguriang “Armless Mermaid,” kung saan ang top eight qualifiers mula sa dalawang heats ay uusad sa finals na nakatakda sa alas-5:59 ng hapon (11:59 p.m. Manila time).

“Sayang, sayang,” pahayag ng swimmer makaraang matapatan ang powerhouse Chinese trio nina Lu, He Shenggao at Liu Yu stroke for stroke, na namumurong makamit ang podium finish at putulin ang eight-year-old dry spell ng bansa sa Games, bago kinapos sa huling 15 metro.

Sinabi ni deputy para swimming coach Brian Ong, ang anak ng head coach, na ang pagpapalakas sa mental toughness ni Otom sa kanyang huling event sa Games ang isang aspeto na kanilang tututukan sa stint na suportado ng Philippine Sports Commission.

“We are looking forward to her outing in the women’s 50-meter butterfly on Friday,” anang coach, kumpiyansa na gagawin ng atleta ang lahat sa huling hirit ng bansa na magwagi ng medalya sa meet na tinatampukan ng crème dela crème ng physically-challenged bets mula sa 168 bansa.

Si late table tennis player Josephine Medina ang huling naka-podium finish nang mag-uwi ng bronze medal sa 2016 edition sa Rio de Janeiro, Brazil.