SINIMULAN ng One Town, One Product Program (OTOP) Next Gen ang taon sa pagtitipon ng kanilang regional and provincial focal persons sa pamamagitan ng “OTOP Visions 2020: Trade Promotions Officers’ Evaluation and Planning Session”, kamakailan na ginanap sa Hotel Jen Manila.
Layon ng sesyon na suriin ang performance ng grupo, ang magkaroon ng ganansiya sa magagandang gawain sa bawat rehiyon, at maglagay ng direksiyon para sa programa para sa 2020. Ito ay dinaluhan ng DTI Regional and Assistant Regional Directors at lahat ng Trade Promotions Officers na nagkaroon ng matinding partisipasyon sa patuloy na tagumpay ng programa ng OTOP.
“We hope to face 2020 with a clear and unified vision of OTOP. As we set out to elevate our level and quality of MSME sup-port, may we grow all the more resilient. Let us remember why we are doing this and who we are doing this for – for MSMEs and for the continued development of our country”, pahayag ng OTOP Program Manager Assistant Secretary Demphna Du-Naga sa pagbubukas ng OTOP Visions 2020.
Kasama sa dalawang araw na komperensiya ang sesyon sa pag-aaral para sa mga sumali na ibinigay ng iba’t ibang resource per-sons mula sa departamento at iba pang ahensiya. Kaakibat ang rising global trends, dinidiskubre rin ang mga target na e-commerce platforms.
Nahigitan ng programa ang kanilang target noong 2019, tagumpay na nakapagbigay sa 10,819 bilang ng tulong ng MSME, 6,771 bilang ng product development services, at OTOPreneurs para makapag-produce ng Php1.407 bilyon sa benta.
Sa ngayon, nakapagtayo na ang programa ng 37 OTOP Philippines Hubs (OTOP.Ph), OTOP’s retail and marketing arm sa buong bansa at marami pa ang mga ginagawa.
Nakipag-ugnayan din ang programa sa foreign markets sa isang misyon sa Europe, kung saan sila ay sumali sa ANUGA Fair sa Cologne, Germany. Doon, ipinakita nila ang mayamang likha ng Filipinas sa pandaigdigang entablado, na makaaakit sa mga ma-mimili at partner mula sa lahat ng bansa.
Nagmarka ang sesyon bilang simula ng tuloy-tuloy na adhikain ng OTOP para makapagtaguyod ng paglago ng ekonomiya at pagpapataas ng pakikipagkompetensiya ng local MSMEs. Marami pang puwedeng asahan mula sa programa ngayong taon sa paghahanap na palawigin pa ang kanilang ba-gong enrollees at mag-level up sa pagpapakete ng serbisyo na iniaalok sa OTOPreneurs.
Comments are closed.