NAGSAULI ng naiwang Ipod ng isang pasahero ang Office of the Transportation (OTS) Screening Officer sa Ninoy Aquino International airport (NAIA).
Ang naturang IPod ay nakita ni Donn Mark Revira, OTS screening Officer na naiwan sa may final checkpoint ng airport.
Pag-aari ito ng nagngangalang Lorraine Marie Reume, isang American citizen na patungong Korea.
Agad na ipinagbigay alam sa mga tauhan ng Lost and Found Division ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang natagpuang Ipod.
Dahil sa kanyang ginawa ay pinuri si Revira ni OTS Undersecretary Mao Aplasca at mga kasamahan sa trabaho dahil nagsilbi itong magandang halimbawa sa kanyang kapwa OTS Screening Officer na nakatalaga sa ibat-ibang paliparan sa bansa.
Froilan morallos