OTS SECURITY SCREENING OFFICER NATUKSO SA CHOCOLATE

ISANG  malaking dagok muli sa pamunuan ng Office of the Transportation Security (OTS) ang pagkakasangkot ng isa sa kanilang tauhan na Secury Screening Officer (SSO) sa umano’y pagkuha ng chocolate mula sa pasahero galing sa labas ng bansa.

Nangyari ang insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 arrival area kung saan umano kinuha SSO na si Billy Boy ang chocolate mula sa bag ng isang pasahero.

Batay sa impormasyon, si Garcia ay isang job order, at maaring masibak sa trabaho kapag napatunayan sa nagawang kasalanan.

Napag-alaman mula sa isang MIAA insider na posibleng dahilan ng ginawa ni Billy Boy ay dahil sa umano’y kapirangot na suweldo na tinatanggap mula sa pamahalaan.
FROI MORALLOS