NAGING paboritong Marian devotion ang Our Lady of Fatima bilang proteksyon at pag-asa ng mga taong nagdurusa.
Tatlong ulit na nagpakita ang Blessed Virgin Mary sa tatlong batang pastol noong 1917 sa Fatima, Portugal, mula Mayo 13 hanggang Oktubre 13. Sa huling pagpapakita niya noong October 13, nasaksihan ng 70,000 katao ang kagila-gilalas na “Miracle of the Sun.”
Tatlo ang mahahalagang mensahe ng Our Lady of Fatima. Ang PPP o Prayer, Peace, and Penance.
Hawak ng birhen ang kanyang puso, na napalilibutan ng tinik.
Tatlo rin ang lihim ng Fatima. Ang una ay ang pagpapakita ng mga kaluluwang nagdurusa sa impiyerno; ang ikalawang prediksyon ay ng pagtatapos ng WWI at ang prediksyon ng panimula ng WWII pati na ang kahilingang ipangako ang Russia sa Immaculate Heart of Mary; at ang ikatlo ay ang pagpapakitra ng Papa kasama ang iba pang mga obispo, pari, religious and lay people, na pinatay ng mga sundalo.
Sa kabila ng mga karumal-dumal na pangitain at pagbabanta, nagwakas ang mensahe ng Fatima na may paniniwala: “Ang Aking Malinis na Puso ay Magtatagumpay.”
May populasyon ang Fatima na 10,369. Ito ay isang siyudad sa Portugal, na kinuha ang pangalan sa isang Moorish princess noong 12th century. 1917 pa lamang ay naging sikat na sa lahat ang Fatima Marian Shrine, matapos magpakita ang Mahal na Birhen sa tatlong batang pastol na sina Lúcia dos Santos at Jacinta at Francisco Marto.
May tatlong paraan sa pamamanata sa Our Lady of Fatima. Una, mangako ka sa Birheng Maria kahit nakapangako ka na noon pa man, na magiging mabuting tao ka. Ikalawa, magdasal ng rosaryo araw-araw. At ikatlo, magsagawa ng Five First Saturdays Devotion o pagdarasal sa imahe ng Birhen ng Fatima sa unang Sabado ng magkakasunod na buwan.
Matatagpuan ang National Shrine of Our Lady of Fatima o Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima sa Malolos, Bulacan. Nagsisilbi itong Philippine apostolate sa Our Lady of Fatima in Fátima, Portugal. May shrine din sa Our Lady of Fatima University campus sa Marulas, Valenzuela City.
Ang National Shrine of Our Lady of Fatima ay tahanan ng National Pilgrim Image (NPI) ng Our Lady of Fatima, ang imaheng iniharap sa mga baril, kanyon at bomba noong 1986 EDSA People Power Revolution. NLVN