QUEZON CITY –ISINASAAYOS at naghahanda ang National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel para sa deklarasyon nito bilang isang Minor Basilica, bukas, Marso 25.
Noong Disyembre, inanunsiyo ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na inaprubahan ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments sa Vatican ang pagiging Basilica Minore ng Mt. Carmel Shrine.
Sinabi ni Fr. Joey Maborrang, OCD, isang malaking biyaya ang pagkakahirang sa dambana bilang isang Minor Basilica.
Aniya, sa pamamagitan ng pagiging Minor Basilica, ang dambana ay magiging daluyan ng pagpapala at pagbabasbas ng Diyos.
Makatatanggap ng plenary indulgence ang mga debotong bibisita sa bagong Minor Basilica.
Ang Mt. Carmel Shrine ang kauna-unahang Minor Basilica ng Diocese of Cubao.
Magaganap ang solemn declaration ng dambana bilang isang Minor Basilica ganap na alas-6:00 ng gabi.
Ang naturang araw ay kasabay ng Feast of Annunciation.

Comments are closed.