Ipinagdiwang ang ika-50 anibersaryo ng Patron ng Lungsod Quezon na “Our Lady of the Rosary of La Naval” na isinagawa sa iba’t ibang barangay para sa mga deboto ng simbahang Katoliko.
Ang naturang milagrosong imahe ng La Naval ay sabay sabay na iprinusisyon sa iba’t ibang bahagi ng naturang lungsod ngayong Oktubre 5. Ito ay kasunod ng pag-apruba kamakailan ng Resolution 9438 series of 2023 ng Sangguniang Panglungsod ng Quezon kung saan ay idineklara nito ang buwan ng Oktubre na pagdiriwang sa anibersaryo ng “Our Lady of the Rosary La Naval “ bilang patron ng Lungsod Quezon.
Sa naturang resolution, nakasaad dito na ito ay patungkol sa “Marian devotion” na isinusulong ng mga Dominican mula sa Sto.Domingo Church. “Central to this devotion is the 16th century image of Our Lady of the Rosary which countless devotees deem miraculous through the ages”.
Isinaad sa naturang Resolution ang pagkilala sa mga milagrong naitulong ng naturang patron ng Lungsod Quezon sa pagkapanalo ng bansa o “naval victories” laban sa mga Dutch na nagtangkang sumakop sa Pilipinas noong 1646 sa limang sunod sunod na sumiklab na digmaang pangdagat sa Manila.
“It is fitting and proper that Quezon City have the Virgin of the Rosary of La Naval as its Patroness given that it has the distinction of being the site of the National Shrine of La Naval whose festivities coincide with the month when Quezon City was founded in 1939”, ang nakasaad sa Resolution.
Noong Oktubre 12,1973 ipinagdiwang ng Lungsod Quezon ang 34th founding anniversary at opisyal na adoption ng “Our Lady of La Naval as Patroness of the City,” kung kailan nadala ng mga Dominicans ang imaheng ivory ng naturang patron sa okasyon.
Sa taong 1974, nag isyu ang Pope ng Bull “Caelestium Munerum Conciliatrix”(The Advocate of Heavenly Favors) at kinumpirma na ang “Blessed Virgin Mary of the Rosary” na mas kilalang “La Naval” ay ang principal na patron ng naturang lungsod.
“The Resolution made by the Quezon City government is significant for not often does a government-level declaration iof a city patronage receive formal confirmation from the Holy Spiprit through papal decree.Because of this,the occasion this year calls to mind with gratitude and joy not only the 1973 Resolution by the City Government but also the 1974 Papal Decree that celebrated the great piety of the devotees of our Lady of La Naval in Quezon City.In gratitude for the unfailing blessings we received from God through Her prayers, we honor in special way this year our Lady of Rosary La Naval, Advocate of the Heavenly Favors, who stood for Quezon City as its princiopal patroness in the last 50 years”, ayon sa nakasaad na Resolution.
Ang naturang resolution ay inihain nila Councilor Dorothy Delarmente, M.D.,Bernard F. Herrera, Tany Joe Calalay, Joseph Juico, at Charm Ferrer.
Samantala, ang Lungsod Quezon ay tinagurian kamakailan bilang “Most Competitive Local Government Unit” sa ilalim ng “Highly Urbanized Cities” na kategorya sa “Cities and Municipalities Competitiveness Index” (CMCI). Ito ay matapos humakot ng anim na award mula sa Department of Trade and Industry (DTI) ang naturang lungsod bilang Ist Overall Most Competitive City Recognition; Ist Place bilang Most Competitive in Innovation;Ist Place bilang Most Competitive sa Infrastructure;Ist Place bilang Most Competitive in Resiliency; 2nd Place bilang Most Competitive in Economic Dynamism,at; Ist Place sa Top Intellectual Property Filers. MA. LUISA GARCIA