INIHAYAG ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ibinasura at sinabing tsismis lang ang tinuran ni dating senador Antonio Trillanes IV ang pag-aangkin ng pagkakasangkot ng mga opisyal ng pulisya sa isang planong pagpapatalsik laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa isang panayam sa media sa Camp Crame, sinabi ni Abalos na “walang kapani-paniwalang banta” sa isyu, na binanggit na ang mga alegasyon ng ouster plot ay lumalabas sa halos lahat ng administrasyon.
“Alam mo naman mga tsismis, it’s not a credible threat at all. Talagang as far as we are concerned binabalewala po namin ito,” ani Abalos sa pagpunta nito sa libing ni Capt. Rolando Moralde na nasawi habang nasa duty sa Parang, Maguindanao del Norte.
Sinabi ni Abalos na hindi niya nakikita ang pangangailangan na imbestigahan ang mga opisyal ng pulisya dahil nagpahayag siya ng tiwala sa kanilang katapatan sa kanilang mandato.
“As far as we are concerned wala po sa police, wala po ito and 100 percent ang talagang supporta sa ating Pangulo ng police at hindi lang yun, naka-focus lahat sa trabaho nila bilang pulis,” aniya pa.
Samantala, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil na nananatiling tapat ang puwersa ng pulisya sa can Konstitusyon at mga rally sa likod ng ‘Bagong Pilipinas’ vision ni Marcos.
EVELYN GARCIA