AGAD nilinaw ng Bureau of Animal Industry (BAI) na hindi buong Filipinas ang saklaw ng idineklara nilang outbreak kaugnay sa African Swine Fever (ASF).
Ipinarating ni BAI Director Ronnie Domingo na ang ilang mga lugar lamang sa mga lalawigan ng Rizal at Bulacan ang isinaila-lim sa outbreak level. Partikular na tinukoy ng opisyal ang mga barangay ng San Jo-se, Macabud, San Isidro, San Rafael, at Mascap sa Rodriguez, Rizal; Cupang sa Antipolo; at bayan ng Guiguinto, Bulacan.
Idinagdag pa nito na kailangan na nila itong ideklara dahil sa naghihintay aniya ng sagot ang publiko sa nangyayaring pagka-matay ng mga baboy.Napatunayan din aniya sa ipinadala nilang samples sa ibang bansa na ASF ang tumama sa mga baboy sa nasa-bing mga lugar.
Samantala, sinabi ni Domingo na patuloy pa rin ang control measures upang mapigilan ang pagkalat ng ASF sa iba pang mga karatig na mga lalawigan. Siniguro rin ni Domingo na ligtas pa ring kumain ng baboy at sapat pa rin naman daw ang suplay nito sa merkado. BENEDICT ABAYGAR, JR.