ITINANGGI ng Embahada ng China na nakabase sa Maynila ang mga espekulasyon sa umano’y outbreak ng bagong virus sa China.
Sa isang statement nitong Biyernes, tinawag ito ng Embahada na “fake news”.
Una rito ay kumalat sa mga post sa social media ang umano’y tumataas na kaso ng human metapneumovirus (HMPV) na umano’y nagdudulot ng pagkapuno ng mga ospital sa China.
Base pa sa mga post, nagdeklara na umano ang gobyerno ng China ng state of emergency.
Samantala, nilinaw ng Department of Health na walang reliable sources na sumusuporta sa kumakalat na mga post sa socmed kaugnay sa umano’y international health concern at wala ring kumpirmasyon mula sa nasabing bansa o sa World Health Organization (WHO).
PMRT