PUWEDE nang mag-ehersisyo sa labas ng bahay kahit na anong alert level sa lugar.
Inihayag ni Presidential spokesman Harry Roque sa bagong inilabas na panuntunan ng Inter Agency Task Force na puwede na ang outdoor exercises sa lahat kasama ang mga nasa edad na mababa sa 18 at mas mataas sa 65 anyos at ang may mga immunodeficiencies, comorbidities, o iba pang sakit at mga buntis basta’t sa lugar lamang na sakop ng kanilang barangay, purok, subdivision, o village.
Pinapayagan na rin ang burol sa mga nasawi sa mga sakit at maging sa COVID-19 at limitado sa mga miyembro ng pamilya basta’t pairalin ang minimum public health standards.
Lahat ng contact sports, indoor o outdoor, ay bawal.
Bawal pa rin mag-operate ang mga spa, reflexology, aesthetics, wellness, at holistic services maging ang home services.
851642 993775Just a smiling visitant here to share the really like (:, btw outstanding style . 700867