‘OUTDOOR FOOD MARKET’ BINUKSAN SA PUBLIKO

Emi Calixto-Rubiano

INILUNSAD kahapon ng lokal na pamahalaan ng Pasay at ng SM Mall of Asia (MoA) ang pinakamalaking outdoor food market na makatutulong sa mga may-ari ng restoran gayundin sa mga nawalan ng trabaho na makabangon at magsimulang muli na makatutulong din sa lokal na ekonomiya.

Pinangunahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang paglulunsad ng “Pasayahin, Buyummyhan” na isang outdoor food market na matatagpuan sa North Foundation ng SM By the Bay sa pakikipagtulungan ng Restaurant Owners of the Philippines (RestoPh) na inasistehan naman ng Mercato Centrale at ng Globe Telecom.

Ayon kay Calixto-Rubiano, kabilang sa naturang food market ang mahigit 30 food merchants kasama ang mga restoran sa SM Mall of Asia/SM By the Bay, home-based at online Pasay entrepreneurs gayundin ang mga mi­yembro ng Pasay City cooperative na nawalan ng trabaho dahil sa idinulot na pandemya ng COVID-19  kabilang na rin ang mga overseas Fi­lipino workers (OFWs), cruise ship workers at mga empleyado sa industriya ng food and beverage.

Sa paglulunsad ng naturang aktibidad ay binigyang-diin ni SM Supermalls President Steven Tan,  kasama ang partners at affiliates, tinit-ingnan ng SM dahan-dahan na pagsisimula sa muling pagtatayo ng ekonomiya at kanilang inuunawa ang kinahinatnan ng Small and Medium Scale Enterprises (SMEs).

Ani Tan, masaya silang gawin itong ligtas at socially-distanced na aktibidad na magpapaalala sa lahat ng kasiyahan sa panahong ito pati na rin ang pagbibigay ng pag-asa habang nasa ilalim ng pandemya ang bansa.

Sa panig naman ni Calixto-Rubiano, pinaalalahanan nito ang mga mamimili na ang habang ang lungsod ay nagdiriwang ng ika-157th founding anniversary, kailangan pa ring mapagbantay ang Pasayenos at panatilihin ang pagsunod sa health protocols upang mapaglabanan ang pagkalat ng COVID-19 habang kumakain sa labas ng kanilang bahay.

Sinabi naman ni RestoPh President Eric Teng na ang industriya ng restaurant ang isa sa mga pinakamatinding tinamaan ng kasaluku­yang nararanasang pan­­d­em­ya.

Ayon naman kina Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat at Assistant Secretary Verna Buensuceso na naging panauhin sa naturang paglulunsad, ang outdoor event na ito ay isang welcome sign na ang bansa ay nasa panibagong yugto para sa pagbubukas ng ekonomiya at panunumbalik ng domestic tourism.

Dagdag pa ng mga opisyales ng DoT, ang turismo at ang industriya ng food and beverage ay ang pinakamabigat na tinamaan na idustriya sa bansa habang patuloy itong nagiging hamon sa paghihimok ng kani-kanilang mga dating customer na muling kumain sa kanilang establisimiyento.

Ang Buyummyhan outdoor food market ay mananatiling bukas araw-araw mula alas 3:00 ng hapon hanggang alas 10 ng gabi. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.