OUTDOOR TRAINING NG ATLETA BAWAL PA RIN

OUTDOOR TRAINING

APAT na araw makaraang magbuga ng abo ang Bulkang Taal na bumalot sa Batangas at sa mga kalapit na lalawigan, hindi pa rin inaalis ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kautusan nito na suspendihin ang outdoor training para sa lahat ng national athletes.

“We have been coordinating with the NSAs to look for training alternatives. But then, PSC would always work on the safe side. We will be very prudent and vigilant on the health of the athletes,” wika ni Senior Executive Assistant Marc Edward Velasco na binigyang-diin na importante sa kanila ang kalusugan ng mga atleta.

Sinuspinde ng PSC ang lahat ng outdoor training at physical activities ng  national athletes upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

“We cannot risk the health of our national athletes even after the ashfall has lessened. We try to see for another two days if we can resume the outdoor training,” dagdag ni Velasco.

Kabilang sa mga naapektuhan ng pagsabog ng bulkan ang windsurfing at skateboard athletes, na kapwa naka-base sa Batangas.

Ang Philippine windsurfers ay nagsasanay at tumutuloy sa Mabini, Batangas na nasa ilalim ng Alert Level 4 magmula pa noong Linggo.

“We also know that we cannot keep our training hanging for days, so we are now considering some alternatives like moving to Subic Bay Zambales or somewhere in Northern Luzon,” sabi ni Philippine Windsurfing Association, Inc. president Manny Cabili.

Tinawagan ni national skateboard athlete Mak Feliciano ang kanyang mga kapwa atleta makaraang matabunan ang newly-constructed 3-hectare skate park sa Tagaytay City ng makapal na layer ng abo, dahilan para hindi na ito magamit sa  training o kumpetisyon.

“Nakalulungkot po kasi ang daming naapektuhan kasama na nga po ‘yung skate park,” pahayag ng 22-anyos na si Feliciano na nagsasanay ngayon sa Hong Kong.

Tiniyak ni Feliciano na sa sandaling makauwi siya ay tutulong siya sa paglilinis sa skate park, “Sa ngayon po ay nagpapatulong kami sa mga kapwa namin skaters na linisin ung skate park,” paliwanag niya.

Comments are closed.