ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si outgoing Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino bilang bagong pinuno ng Clark International Airport Corporation (CIAC).
Ito mismo ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea makaraang italaga ng pangulo si PDEA Northern Mindanao head Wilkins Villanueva bilang bagong director general ng naturang ahensiya.
Sa isang pahayag, ipinabatid ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pasasalamat ng Palasyo kay Aquino sa kanyang malawak na kontribusyon sa kampaya kontra ilegal na droga ng administrasyon.
Sinabi rin ni Roque na hindi na baguhan si Villanueva, na siyang papalit kay Aquino, sa pagpapatupad ng mga batas kontra illegal drugs.
Si Aquino ay mahigit dalawang taong nagsilbi sa PDEA. DWIZ882
Comments are closed.