OUTLOOK NG BAHAY MO SA PADATING NA WATER TIGER

BAHAY 2022

NGAYONG parating na ang year of the Tiger, ang year 2022, hahara­pin natin ang taon kung saan ang apat na haligi ng taon sa Paht Chee o birth chart ay Yang. Ibig sabihin, ang susunod na taon ay magiging extremely energetic. Magbabago ang takbo ng mundo at magbubukas sa mga bagong pangyayari.

Habang nagbubukas na ang Europe (na nagsara dahil sa pandemya), at ang USA at UK ay nag-iinit na, mukhang magla-lockdown na naman uli ang China at Australia, habang binabantayan naman ang South East Asia. Gayunman, pagod na ang lahat sa COVID-19 kaya palapit na tayo sa iba pang movement.

Sa Year of the Ox, hindi tayo nagmamadali. Pero ngayong Year of the Tiger, iba naman. Mabilis ang takbo ng panahon, dahil ang mga tao at mga negosyante ay nagpipilit na buma­ngon.

Sa isang banda, may kakapusan sa and Metal sa year 2022, na kumakatawan sa resources at talino. Kung kikilos ng sobrang bilis, maaaring makagawa ng mga maling desisyon, kaya masasa­yang ang mga resources na resulta ng kakulangan ng strategic na pag-iisip o baka hindi na pinag-isipan.

Positibo ang Year of the Tiger ngunit may kaakibat itong danger. Mahirap paamuin ang Tigers pero kapag na­ging kakampi mo sila, hindi ka nila ilalaglag.

Naniniwala ang mga Chinese na ang pre­sence ng animal sign sa bahay ay nakatutulong para makakuha ng sapat na positive energy, kaya inilalagay nila ito sa li­ving room na napapalibutan ng golden ingots, coins at iba pang simbulo ng kayamanan. Pinaniniwalaan nilang epektibong nahuhuli nito ang wealth luck of the year.

Sabi nila, ang Tigers daw ay kilalang bri­ngers of wealth, kaya dapat imbitahin ang Tiger accompanied by a Wealth Deity. Dahil ang Wealth Gods daw lamang ang nakakakontrol sa Tiger. Ang mga sikat na diyoses tulad nina Kwan Kung at Tsai Shen Yeh ang karaniwang kasama ng mga imahe ng Tigers upang mag-represent ng pagdadala ng wealth luck.

water tiger 2022

Upang makuha ang ugat ng prosperidad sa 2022 – at oo, may kaya­manang naghihintay – ang pinakamabuting paraan at i-activate ang animal sign of the year, ang Tiger, NGUNIT, si­guruhing kasama nito ang mga Wealth Deities.

Ang #5 misfortune star ay napupunta sa sentro ng Lo Shu grid, na umookupa ng pinakamahalagang location. Ang central star of the year ay kadalasang siyang dominating star, dahil malakas ag impact nito sa iba pang stars. At dahil gitna ito, naaapektuhan niya ang lahat ng sulok ng bahay o living space, lalo na kung ang tirahan ninyo ay “open plan” style home. Ang #5 ay Earth, at ang central sector ay Earth.

Para sa #5 sa gitna, lagyan ng Supremacy of Heaven Plate na nagpe-feature ng anim na Celestial Guardians at Heavenly symbols. Ang pinakaepektibong remedy laban sa pinalakas na Five Yellow ay ang pinakamalakas na heaven energy; na nakaka-control sa mahirap kontroling Earth energy na may benevolent Heaven Energy, kaya inirerekomenda sa lahat ng bahay na maglagay ng Heaven Plate sa center area. Pwede rin itong gawin sa inyong opisina at iba pang living space. Para naman sa on-the-go protection, pwede ring magdala ng amulet version nito o i-clip na lamang ito sa inyong bag para lagi mong dala.

SWERTE AT MALAS NA HOME ORIENTATIONS

Medyo may problemma sa East-West axis ng bahay dahil ang East ay may taunang Quarrelsome Star #3, habang ang West naman ay may Loss Star #7, na may dalang kamalasan sa Five Yellow sa gita. Ang mga bahay at gusaling ginawa sa East-West orientation ay kailangang ayusin. Swerte naman ang Northeast, North at ang NW naman ay nakakabuo ng lucky strip. Kung gagamitin ang bahaging ito ng bahay, magkakaroon ng lucky energies sa buhay mo. Maswerte ang mga bahay na nakaharap sa North ngayong 2022, dahil ang harapan ng bahay ay puno ng tatlong mahahalagang White stars, 1,6 at 8. Ang mga bahay na SW-NE ay okay rin ngayong 2022, dahil ang star numbers nila ay nakalilikha ng Pearl String.