OUTPOST SUNDALO PATAY, 1 PA MALUBHA SA PAG-ATAKE NG 3 SAYYAF

PUMANAW na ang isa sa dalawang sundalo na pinasabugan ng tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa outpost ng Campo Uno sa Lamitan City Basilan.

Ayon kay AFP-Western Mindanao Command Acting Commander MGen. Generoso Ponio, sinalakay ng tatlong lalaki na lulan ng motorsiko ang outpost saka hinagisan improvised explosive device (IED) at nang bumulagta ang dalawang miyembro ng 68th Infantry Battalion ay kinuha ang mga armas nito.

Pinaputukan pa umano ng isa sa mga suspek ang sugatang sundalo na tinamaan sa tiyan.

Natangay naman ang hawak na R4A3 rifle with M203 grenade launcher attached ng isa pang sugatang sundalo bago tumakas sa direksyong ng Barangay Cabobo, ng nasabing siyudad lulan pa rin ng gamit nilang itim na XRM motorcycle.

“We will continue to intensify our efforts to identify and neutralize the perpetrators and prevent the recurrence of similar incidents,” pahayag ni Ponio.

Sa kabilang dako, ayon naman kay Brig. Gen. Domingo Gobway, Commander ng Joint Task Force Basilan, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente at pursuit operations laban sa mga suspek.

Tumanggi muna si Gobway kilalanin ang identity ng nasawing sundalo dahil hindi pa naabisuhan ang pamilya nito.

Unang dinala ang mga sugatang sundalo sa Lamitan City Hospital at bandang 12:30 ng hapon ay in- airlift sa Camp Navarro General ang mga sugatan subalit idineklarang dead on arrival an gang isa habang inilipat naman sa Zamboanga City Medical Center para malapatan ng kaukulang lunas. VERLIN RUIZ

3 thoughts on “OUTPOST SUNDALO PATAY, 1 PA MALUBHA SA PAG-ATAKE NG 3 SAYYAF”

  1. One more thing to say is that an online business administration study course is designed for individuals to be able to without problems proceed to bachelor degree programs. The 90 credit certification meets the lower bachelor education requirements and once you earn your current associate of arts in BA online, you may have access to the most recent technologies within this field. Some reasons why students want to be able to get their associate degree in business is because they can be interested in this area and want to obtain the general knowledge necessary in advance of jumping in to a bachelor education program. Thx for the tips you really provide within your blog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *